Wagi sa pinakahuling World Universities Debating Championship (WUDC) ang Ateneo de Manila University, na kauna-unahang beses sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nakuha ng debate team na Ateneo A ang unang pwesto sa grand finals ng kompetisyon na binubuo nina David Demitri Africa at Tobi Leung, na ginanap noong unang bahagi ng Miyerkules sa Madrid, Spain.
Naungusan ng grupo ang mga kinatawan ng Princeton University sa United States, Sofia University sa Bulgaria at Tel Aviv University sa Israel.
Pinagtalunan ng mga koponan kung mas mainam o hindi magkaroon ng “isang mundo kung saan ang lahat ng indibidwal ay may malakas na paniniwala sa Ubuntu.”
Ang Ubuntu ay isang pilosopikal na paniniwala na “iginiit na ang mga pagkakakilanlan ng mga tao ay dapat na hubugin at ang kanilang mga obligasyon ay dapat pangunahin sa kanilang mga komunidad.