Wala pang naitatalang kaso ng anthrax ang Pilipinas simula 2019 hanggang 2021
Ito ayon sa Department of Health kung saan hanggang sa kasalukuyang taon ay wa pa rin naita-tala sa bansa sa kabila ng pagkakaroon ng pagtaas ng kaso sa ibang bansa partikular na sa Laos.
Nagababala naman ang DOH sa publiko na hindi ito kasing dali ng flu kung makahawa dahil ‘very low’ risk kung makahawa ito.
Mas mataas ang tiyansa na mahawa ng anthrax ang mga beterinaryo, magsasaka, livestock personnel, at iba pang manggagawa na humahawak o nag-aalaga ng hayop.
Gayunpaman, nag abiso ang DOH sa publiko na maaari silang makaligtas sa nasabing sakit sa pamamagitan ng pag-iwas sa “raw or undercooked meat or meat products.”
Ang Anthrax ay dahil sa bacteria na kung tawagin ay Bacillus Anthracis at maaaring mahawaan ang mga hayop sa pamamagitan ng paghinga at pag-ingest ng spores. – sa panunulat ni Jeraline Doinog