Wala pa ring talo ang PH-Mighty Sports sa 38th William Jones Cup sa Taipei.
Ito’y matapos gibain ng Pilipinas ang India, 101-81, dahilan upang ang kartada nito sa 5-0.
Matapos ang gitgitan sa score sa first half, binasag ng mighty sports palitan ng puntos nang sumabog sa third quarter at magpakitang-gilas si dating NBA player at NLEX import Al Thornton.
Kumamada si Thornton ng 30 points habang nagdagdag si Dewarick Spencer ng double-double na 21 points at 10 assists.
By Jelbert Perdez