Tiniyak ng National Security Council na walang intensyon ang pamahalaan na manghamak o mang-atake ng interes ng ibang bansa.
Kasunod ito ng posibleng pagbili ng F-16 fighter jets sa Amerika.
Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na maituturing na bahagi ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines ang pagbili ng mga fighter jet, at hindi gagamitin laban sa anumang bansa.
Sa ngayon, wala pa anyang pormal na pag-uusap sa pagitan ng pamahalaang Pilipinas at Amerika kaugnay ng pagbili sa fighter jets, kaya wala pang detalye kung magkano ang gagastusin ng gobyerno at kung saan kukunin ang ipambibili ng mga air assets.
Naniniwala rina ng opisyal na bahagi pa rin ng pangako ng administrasyong trump ang pagbebenta ng fighter jets, para pagtibayin ang “ironclad committment” ng Maynila at Washington sa usapin ng depensa.
Una nang sinabi ng US state department na inaprubahan nila ang pagbebenta sa Pilipinas ng 20 F-16 fighter jets sa halagang $5.58-B.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)