Tiniyak ng Malacañang na walang kakampihan ang Pilipinas sa pagitan ng Amerika at North Korea kaugnay ng tumitinding tensyon sa Korean Peninsula.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, mananatiling neutral ang Pilipinas lalo’t nagdeklara ang Pilipinas ng independent foreign policy na siya ring ipinatutupad sa NoKor.
Ito ay sa kabila ng pagiging tulay ng Pangulong Rodrigo para mamagitan ang China sa sigalot ng naturang dalawang bansa matapos na tawagan ang Punong Ehekutibo ni US President Donald Trump.
China-US-PH
Kinumpirma ng China na tumawag si President Xi Jinping kay US President Donald Trump para pag-usapan ang tumataas na tensyon sa pagitan ng Amerika at North Korea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang, batay aniya ito sa kahilingan ni Pangulong Rodrigo Dutrerte sa Pangulo ng China.
Matatandaang tinawagan ni Trump si Pangulong Duterte matapos ang ASEAN Summit para hilingin na kausapin ng Punong Ehekutibo ang China na mamagitan sa iringan ng Amerika at NoKor.
Tumamis ang relasyon ng Pilipinas at China sa kabila ng pinag-aagawang mga teritoryo nang makipagmabutihan dito ang Pangulong Duterte.
By Ralph Obina
Photo: PPD