WALANG natanggap ang Pilipinas na kontaminadong bakuna na gawa ng Moderna.
Ito ang isiniwalat ng Department of Health o DOH makaraang suspendihin ng Japan ang paggamit ng tinatayang 1.63 million doses ng American-made vaccines nang ma-detect ang umano’y “foreign substances” sa ilang vials nito.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinisiguro ng gobyerno na naipatutupad ang ilang protocols para maiwasan ang kontaminasyon.
Una nang inamin ng mga Japanese authorities na naipamahagi na sa mahigit walong daang vaccination centers ang ilang doses ng bakuna ng Moderna at wala namang naiulat na “health damages” na may kaugnayan dito.