Walang plano ang Pilipinas na kumunsulta sa Estados Unidos kaugnay ng gagawin nitong hakbang sa inilabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa agawan ng teritoryo sa West Phil Sea.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi na nila kailangan pang kunin ang opinyon ng Amerika dahil nakabase naman, aniya, ang kanilang gagawing hakbang sa magiging kapakinabangan ng mga Pilipino.
Pero sinabi ng Kalihim na kailangan pa rin umano nilang makipag-ugnayan sa mga kaalyadong bansa sa ASEAN.
gayunman, sinabi ni Lorenzana na tinawagan siya noong linggo ni US Defense Secretary Ashton Carter at tiniyak nito ang patuloy na pagsuporta sa Pilipinas.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal