Walang yaman ang Pilipinas para mag-ipon ng pondo gaya ng ginawa sa ibang bansa.
Ito ang iginiit sa DWIZ ni Sonny Africa, Executive Director ng IBON Foundation kasunod ng kontrobersiyal na Maharlika Wealth Fund na pinamamadali ngayon sa Kongreso.
Sa ilalim ng panukala, mangangalap ng 275 billion pesos mula sa government pension funds at banks na ipapakontrol sa mga eksperto galing sa ibang bansa, para palaguin sa pamamagitan ng investment sa ibang negosyo, bangko, pondo sa ibang kapuluan, features markets at iba pa.
Ayon kay Africa, hindi maaaring gamitin sa alanganin ang pensyon ng Government Service Insurance System, Social Security System, Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines dahil hindi naman trabaho ng gobyerno ang pagnenegosyo.
Kaduda-duda rin aniya ang panukala dahil sa pagiging tago nito na, dapat gawin na lang para sa pagtulong sa ordinaryong Pilipino.