Nakatanggap ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng ulat na 23 ang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy abroad.
Bunsod nito umakyat na sa 18,380 ang bilang ng lahat ng tinaman ng COVID-19 na Pilipino sa ibayong dagat at 5,959 sa mga ito ay nagpapagaling pa.
Samantala, apat naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at dalawa naman ang sa kasamaang palad ay nadagdag sa numero ng mga nasawi kayat umakyat na sa 1,147 ang lahat ng namatay na Pilipino sa abroad dulot ng COVID-19.