Nakapagtala ng karagdagang pitong bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Habang nanatili naman sa 11,142 ang bilang ng mga gumaling at walang nadagdag sa bilang na 1,115 na kabuuang numero ng mga nasawi.
Sa kabuuan mayroon nang 18,141 Pilipinong dinapuan ng naturang virus sa ibang bansa at 5,884 naman ang patuloy pang nagpapagaling.—sa panulat ni Agustina Nolasco