Kinilala sa kamara ang tatlong Pilipinong ipinadala ng bansa para sa Mars 2020 exploration mission ng National Aeronautics and Space Administration o NASA sa planetang Mars.
Ito’y sa pamamagitan ng House Resolution 2593 kung saan, binibigyang pagkilala at pagpupugay sina Gregorio Go Villar III, Genevie Yang, at Edward Gonzales, na pawang mga scientist at technician.
Layunin ng naturang misyon na kumuha ng bato at lupa sa Mars upang mapag-aralan gayundin ang pagsusuri sa Jezero Crater ng Mars sa pamamagitan ng perseverance rover at ingenuity helicopter.
Nabatid na lumapag ang surface mission sa mars noong ika-28 ng Pebrero taong 2021 na tatagal ng isang taon, o katumbas ng 687 na araw sa mundo.—mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)