Ipinagiutos ng Department of Foreign Affairs na sapilitang palikasin ang mga Pilipinong naiipit sa digmaan sa Ukraine.
Kaugnay nito ay inalok ni Russian President Vladimir Putin ang sarili nitong teritoryo at Russian Federation na pwede umanong puntahan ng mga refugee.
Nabatid na ito ay kasabay ng pag-aalok ng russia ng ceasefire sa limang lungsod ng Ukraine.
Samantala, bagamat may mga nakalabas nang mga Pilipino sa Ukraine ay hindi pa rin natitiyak kung ilan ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa Ukraine. -sa panulat ni Mara Valle