Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang mas lumaganap ang adiksyon sa iligal na droga sa kanilang mga komunidad.
Batay ito sa pinakabagong resulta ng survey ng SWS o Social Weather Stations na isinagawa noong a-otso hanggang ika 16 ng Disyembre noong nakaraang taon.
Ayon sa SWS survey, tumaas sa 42 porsyento ng mga respondents ang niniwalang dumami ang mga lulong sa iligal na droga sa kanilang mga lugar, limang porsyentong mataas mula sa 37 porsyento noong Setyembre.
Tumaas din sa 59 na porsyento ang natatakot namang maging biktima ng pagnanakaw sa kanila mismong mga tahanan.
Habang bahagya lamang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong natatakot na maglakas sa labas ng kanilang mga bahay tuwing gabi.
Gayunman sinabi ng SWS na mas mababa pa rin ito kumpara sa resulta ng survey na isinagawa noong 2016 sa kaparehong panahon.
Posted by: Robert Eugenio