Nasa mahigit 100 ang bagong napaulat na nagpositibong Pilipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs o DFA umabot na sa 20,267 ang kumpirmadong positibo sa virus na Pilipino mula sa 94 na bansa at rehiyon.
Sa naturang bilang, 6,965 ang patuloy na nagpapagamot, 12, 085 ang nakarecover habang 1,217 naman ang nasawing mga Filipino sa ibang bansa.
Isa naman sa pinakamaraming naitalang COVID-19 positive na OFW ay sa bahagi ng Middle East/Africa na mayroong 11, 531 na kaso .
Sinundan naman ito ng Europa na may 3,350 habang nasa 984 naman sa america at 4,222 sa Asia Pacific Region.
Samantala, tiniyak ng DFA na tututukan nila ang lahgay ng mga Pinoy na nasa ibang bansa.