Bahagyang dumami ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Pebrero.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician, Undersecretary Dennis Mapa, tumaas sa 2.47 million ang mga jobless Filipinos sa ikalawang buwan ng taon, na 102,000 na mas marami kumpara sa 2.37 million noong Enero.
Iniugnay ng opisyal ang pagtaas ng bilang ng mga indibidwal na walang trabaho, sa mas mataas na bilang ng mga Pilipinong sumapi sa lakas paggawa noong Pebrero.
Maliban sa naturang datos, ipinabatid ng psa na gumanda ang underemployment rate ng bansa na nasa 12.9% na nitong pebrero kumpara sa 14.2% noong Enero.
Ang sektor na may pinakamaraming bilang ng manggagawa ay ang agrikultura, sinundan ng konstruksiyon, pangingisda at iba pa.