Nagpasaklolo na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa Korte Suprema para mapalaya ang Ilocos-6 na nakakulong sa kongreso noon pang Mayo.
Ang Writ of Amparo ay inihain ng kampo ni Marcos makaraang tatlong beses na isnabin ng Kamara ang Writ of Habeas Corpus at direktibang palayain ang Ilocos-6 mula sa CA o Court of Appeals.
Ayon kay Marcos, apektado ang operasyon ng lalawigan sa pagkawala ng anim sa kanyang mga opisyal dahil karamihan sa kanila ay nasa finance department.
Matatandaan na na-cite for contempt ang Ilocos-6 makaraang hindi umano sumagot ng tama sa katanungan ni Congressman Rudy Fariñas hinggil sa alegasyong maling paggamit ng excise tax ng lalawigan.
“Hindi kinilala ng ating kongreso, ang mga kagalang-galang na Congressman ang sabi ang Court of Appeals ay walang bisa.”
“Sabi nga, not once, not twice but three times dinifine ang order of the court ng Congress to produce and then release the Ilocos-6.”
“Kaya ngayon, pilit kaming pupunta sa Korte Suprema, wag sanang papalag ang ating mga justices dahil sila ang huli at katas-taasang hukuman.”
- Len Aguirre