Aarangkada na bukas ang pilot implementation ng food stamp program ng Department of Social Welfare and Development, sa ilalim ng ”Walang Gutom 2027” program ng Administrasyong Marcos.
Unang makikinabang sa nasabing programa ang 50 pamilya sa Tondo, Maynila na kabilang sa 3,000 food-poor families sa buong bansa.
Makakatanggap ang mga benepisyaryo ng electronic benefit cards na may lamang 3,000 pesos na halaga ng food credits, sa halip na cash.
Magagamit ang naturang card sa mga accredited retailer, gaya ng kadiwa stores, groceries, at maliliit na supermarkets.
Ayon kay DSWD Sec. Rex gatchalian, pag-aaralan nila ang magiging resulta ng pilot run ng programa, kung saan target sa ilalim nito na mabenipisyuhan ang isang milyong food-poor families sa bansa.
Ang food stamp pilot program ng ahensya ay pinondohan ng $3,000,000 mula sa asian development bank at iba pang development partners nito.