Nakatakda namang simulan sa Nobyembre 22 ang pilot implementation ng limited face-to-face classes sa mga pribadong paaralan.
Inihayag ni Education Secretary Leonor Briones na 20 private schools at International Academic Institutions ang target nilang isama sa pilot run.
Mula sa inisyal na 100 public schools na makikibahagi, hiniling ni Briones na 20 private schools lamang ang idagdag sa aprubadong listahan ng Department Of Health (DOH).
Samantala, isang international school lamang ang nagsumite ng kanilang plano para sa face-to-face classes sa depedna rerebisahin din ng DOH.—sa panulat ni Drew Nacino