Sisimulan na ng pamahalaan ang pagbebenta ng P20 na kada kilo ng bigas.
Ito’y ayon mismo kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kung saan ilalarga ang pilot implementation nito sa Visayas.
Kasunod ito ng isinagawang closed-door meeting sa pagitan nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng 12 Gobernador mula sa Visayas na ginanap sa Cebu Provincial Capitol.
Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang mga hakbang at estratehiya upang maisakatuparan ang abot-kayang bigas para sa mga pamilyang Pilipino.
Ang nasabing hakbang ay bahagi ng pagtupad sa campaign promise ni pangulong marcos na ibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo.
Binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at local government units upang maging matagumpay ang nasabing programa.