Tatakbo ng 9 hanggang 12 buwan ang pilot operation ng Automated Fare Collection System.
Ayon kay Transportation Undersecretary Timothy John Batan, kapag nagtagumpay ang pilot implementation, tatanggap pa ang sistema ng mas maraming payment cards maliban sa Landbank of the Philippines at masasakop ang mas maraming PUV units at ruta.
Sinabi ni Batan na uubra pa rin namang magbayad ng cash ang mga pasahero kung wala silang payment cards.
Sa ngayon aniya ay tanging ang Landbank prepaid at credit contactless cards ang tinatanggap sa 150 kasaling PUVs sa bansa sa ilalim ng pilot run.