Umarangkada na ngayong araw sa apat na botika sa Metro Manila ang pilot run ng ‘Resbakuna sa Botika’ para sa pagtuturok ng booster shots.
Ayon kay Presidential Adviser for COVID-19 response at Testing Czar Secretary Vince Dizon, naganap ito sa mga sumusunod na lugar;
- Generika signal 1 branch Sa Signal Village sa Taguig City
- Mercury drug branch sa President Quirino Avenue, Barangay 692, Zone 75 sa Maynila
- Southstar drug branch sa Barangay Concepcion Uno sa Marikina City
- At sa Watsons Sm Supercenter sa Ortigas, Pasig City
Bukas, Enero 21 naman bubuksan ang pagbabakuna sa tatlo pang botika na matatagpuan sa;
- Healthway medical clinic sa Ermita sa Maynila
- Qualimed Clinic sa Barangay Dasmariñas Makati City
- At sa TGP Generics Pharmacy Sun Valley Parañaque City
Pinaplano ng gobyerno na palawigin ang programa sa mga lugar sa labas ng NCR, kung magiging matagumpay ang resulta nito. —sa panulat ni Abby Malanday