Lalarga na ang pilot testing ng limited face to face classes sa 30 pampublikong paaralan sa Nobyembre 15.
Karamihan sa mga paaralan kung saan sisimulan ang pilot testing ay nasa Visayas at Mindanao habang dalawang eskwelahan lamang sa Luzon.
Ayon kay DEPED Undersecretary Nepomuceno Malaluan, hanggang Disyembre 22 lamang ang initial run at matatapos naman ang pilot testing sa Enero 31 ng susunod na taon.
Magsasagawa naman anya ang DEPED ng evaluation sa Pebrero sa iba pang paaralan na maaring buksan na at makabalik na sa traditional classes hanggang Marso.
Kabilang sa mga paaralang tinukoy ang Gutusan Elementary School at Mary B. Perpetua National High School sa Masbate; Laserna Integrated School sa Antique;
Mayabay, Igsoro, Basak at Mahanlud Elementary Schools, sa lalawigan ng Cebu; Siocon National Highschool sa Zamboanga Del Norte at Dalama Central Elementary School, Lanao Del Norte.—sa panulat ni Drew Nacino