Sisimulan na ng COMELEC ang test run ng internet voting sa Setyembre 11.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, aarangkada ang test run simula alas-8 ng umaga sa Sabado hanggang alas-8 ng umaga sa Lunes.
Ipopost anya ang voting list sa official Facebook page ng Office for Overseas Voting.
Ang internet voting test run ay pangungunahan ng mobile voting solutions provider na Voatz.
Magsasagawa rin ng kani-kanilang test run ang iba pang service provider na smartmatic at Indra Sistemas ngayong buwan.
Ito’y bilang bahagi ng exploratory study ng poll body sa internet-based technologies para sa posibleng paggamit ng internet voting.—sa panulat ni Drew Nacino