Umabot sa 52% ang voter turnout ang naitala ng COMELEC sa kanilang overseas internet voting test run.
Kabuuang 669 qualified test voter ang nakarehistro sa aktibidad kung saang mayroong 348 actual voters para sa 52% voter turnout.
Ginanap ang unang test run para sa overseas internet voting simula Setyembre 11 hanggang kahapon gamit ang voting system ng voatz.
Umaasa naman si COMELEC – Office For Overseas voting Director Sonia Bea Wee-Lozada na ganito rin ang magiging resulta sa May 2022 national elections.
Naniniwala si Lozada na mahusay at komportable ang ganitong paraan ng pagboto dahil hindi matakaw sa oras kumpara sa tradisyunal na botohan.—sa panulat ni Drew Nacino