Naging matagumpay ang simula ng pilot test ng Register Anywhere Project (RAP).
Ito ang inihayag ni Commission on Election (COMELEC) Chairman George Garcia matapos isinagawa sa limang piling malls sa National Capital Region at probinsya.
Ayon kay Garcia, inaasahan niyang masimulan ito sa 80 malls at makapagparehsitro ang mga Overseas voters.
Bukas naman ang Local COMELEC offices mula Lunes hanggang Sabado ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Samantala, nanawagan ang ahensya sa publiko na maagang magparehistro at huwag nang makipagsabayan sa huling araw ng registration. —sa panulat ni Jenn Patrolla