Inaasahang aarangkada na ang pilot vaccination para sa edad 12 hanggang 17 anyos para sa piling mga ospital sa Metro Manila.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, kasama sa paglalaanan ng bakuna ng pamahalaan ang pilot vaccination ng mga kabataan.
Dagdag pa ni Galvez, posibleng nasa 40 hanggang 50 doses ang i-a-allocate para sa inisyal na pagbabakuna sa mga kabataan na nasa nasabing edad.
Samantala, inaasahan naman ng mga eksperto na maaagapan ang malalang kaso ng COVID-19 para sa 12 taong gulang pataas sa pag-apruba ng bagong gamot na Ronapreve, isang Monoclonal antibody treament kontra COVID-19.
Sa huli, sinabi ni Galvez na bubuhos pa ang mga suplay ng bakuna sa huling quarter ng taon kaya inaasahang mas maraming Pilipino ang mababakunahan bago mag-Pasko.