Hindi kinilala ni Senador Koko Pimentel, Executive Vice Chairman ng PDP-laban ang panunumpa ni Energy Secretary Alfonso Cusi bilang bagong Pangulo ng partido sa national assembly noong Sabado.
Ayon kay Pimentel, iligal ang naturang aktibidad kahit pinangunahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na Chairman ng partido dahil mas mahalaga ang basbas ng party President.
Hindi aniya ito dapat maka-apekto sa kasalukuyang PDP-laban structure.
Samantala, plano naman ni Pimentel na magsagawa ng sariling national assembly sa Setyembre at pag-usapan ang muling pagsasaayos ng mga miyembro ng kanilang partido kung kailangan.—sa panulat ni Drew Nacino