Ikinalugod ni Senador Koko Pimentel ang pagbasura ng COMELEC o Commission on Elections sa inihaing disqualification case laban sa kanyang kandidatura sa 2019 midterm elections.
Lumabas sa desisyon ng COMELEC 5th Division na walang sapat na merito ang disqualification case laban sa senador.
Malinaw na hindi nakumpleto ni Pimentel ang kanyang unang termino mula 2007 hanggang 2013 dahil sa election protest kaya’t hindi maaaring i-apply ang two-term limit sa senador.
Samantala, inaasahan pa rin ng senador ang suporta ng publiko para sa kanyang mga plano at adbokasiya.
—-