Dapat na magtayo na lamang ng sariling political party si Energy Secretary Alfonso Cusi sa halip na sirain ang PDP-Laban sa paggigiit sa presidential bid ng isang “outsider”.
Binigyang diin ito ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III matapos ding ihayag na wala sanang problema kung naging tapat lamang an grupo ni Cusi sa intensyon nilang suportahan ang isang kandidato sa labas ng kanilang partido.
Bagamat hindi pinalanganan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang tinutukoy ni Pimentel na isinusulong ng grupo ni Cusi para isabong ng ruling party sa 2022 presidential elections.
Gayunman sinabi ni Pimentel na kung hindi maayos ang gusot sa partido mas mabuting maghiwa hiwalay na lamang sila subalit manatiling magkakaibigan, magkita-kita sa polling precincts at manalo ang kandidatong karapat-dapat.
Si Pimentel ay executive vice president ng PDP-Laban kung saan kabilang sa founders ang amang si yumaong dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel, Jr.