Pinasinungalingan ni dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel ang pahayag ni dating senador Juan Ponce Enrile na walang nakulong o namatay noong batas militar dahil sa pambabatikos sa noo’y nakaupong presidente na si Ferdinand Marcos.
Ayon kay Pimentel, tila nakalimutan na ni Enrile na isa siya sa mga libu-libong Pilipino noon na naghirap at nagdusa sa rehimeng Marcos.
Si Enrile ang nagsilbing defense minister sa panunungkulan ni Marcos na kinalauna’y tumiwalag din matapos ang 1986 snap elections.
Siguro nakalimutan na niya ‘ko. That’s part of aging. Pahayag ni Pimentel
Apat na beses nakulong si Pimentel noong panahon ng Batas Militar matapos maaresto dahil sa iba’t ibang kaso tulad ng rebelyon.
Dahil dito, pinayuhan ni Pimentel ang mga Pilipino, lalo na ang kabataan na matuto na ang sambayanan sa naging leksyon ng nakaraan at huwag nang magpapaloko o magpapadala sa mga nagsusubok na ibahin ang tunay na mga pangyayari sa kasaysayan.
I do not desire to take revenge against anyone. I’m only trying to say huwag nating gayahin ‘yung mga masamang mga leksyon na napulot natin during Martial Law. Huwag nating pahintulutan ‘yan [‘yung history distortion]. Let us expose them for what they are. They are trying to perpetuate a legacy that had better be placed in the box of history several feet underground para it will not influence the thinking of the young people of our country and mislead them into the path of wrong assessment of life that the end justifies the means. Paliwanag ni Pimentel
Matatandaan na nag-post si dating Senador Bongbong Marcos sa official Facebook Page nito ng kanyang one-on-one interview kay Enrile na may pamagat na “JPE: A Witness to History,” noong Huwebes, bisperas ng ika-46 taong anibersaryo ng pagdedeklara ng martial law.
Dito itinanggi ni Enrile ang mga balita at akusasyon na napakaraming pinarusahan at nakulong noong martial law dahil sa pagtuligsa sa administrasyong Marcos.
Name me one person that was arrested because of political or religious belief during that period. None. Name me one person that was arrested simply because he criticized President Marcos. Ani Enrile