Kinumpirma ng pamunuan ng S&R Member Shopping Mall na namili pa si Senador Koko Pimentel sa kanilang branch sa Taguig City noong March 16.
Ayon sa S&R, chineck nila ang kanilang CCTV matapos kumalat ang online na may nakakita kay Pimentel na namimili sa kanilang branch sa BGC.
BREAKING: S&R, kinumpirmang namili sa kanilang BGC branch si Senador Koko Pimentel (na positibo sa COVID-19) noong March 16 ( S&R Membership Shopping) pic.twitter.com/zK6oC6kShU
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 26, 2020
Doon nga umano nila nakumpirma na nagtungo ang senador kung saan nakita ito sa counter dakong ala-1:59 ng hapon.
Bilang aksyon, ipinag-utos ng pamunuan ng S&R na isailalim ang lahat ng nakasalamuhang empleyado ni Pimentel.
Nagsagawa na rin ng disinfection ang naturang branch.
Kasabay nito tiniyak ng S&R na araw-araw silang nag didisinfect sa kanilang mga store pati mga kagamitan gaya ng cart, front end belts, items shelves at cash registers.