Naghihinala si Senate President Koko Pimentel na mayroong nagsisikap na mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon.
Gayunpaman, inamin ni Pimentel na wala siyang intelligence information na susuporta sa kanyang hinala.
Sinabi ng Senate President na sa mga sunud-sunod na batikos nina Vice President Leni Robredo, Senador Leila De Lima, at Senador Antonio Trillanes IV, parang wala nang ginawang tama ang Pangulo.
Hindi masabi ni Pimentel kung nagtutulungan sina Trillanes, De Lima, at Robredo o bahagi ng destabilization plot ang kanilang mga hakbang na layong maimpeach ang Pangulo.
Sinabi ni Pimentel, tatlo ang hindi tama sa mga sinabi si Robredo sa kanyang video message para sa United Nations Commission on Narcotic Drugs.
Una, ang 7,000 kaso ng summary executions sa bansa; ikalawa, ang wala ng pag-asang mga Pilipino; at ikatlo, ang sistema ng palit-ulo.
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno