Ipinagtanggol ni Senate President Koko Pimentel ang mga senador na nakakaladkad ang pangalan sa negosyanteng si Kenneth Dong na idinadawit sa kontrobersya sa Bureau of Customs (BOC).
Ito ay matapos na mag-ninong sa kasal at makatanggap ng campaign funds mula kay Dong ang ilang mga senador.
Ayon kay Pimentel, hindi tamang agad na husgahang guilty ang mga naturang senador dahil karaniwan na sa mga politiko ang nakatatanggap ng imbitasyon na maging ninong sa kasal.
Giit ni Pimentel, nasa kultura na ng bansa na hangga’t kaya ay hindi tatanggihan ang imbitasyon na mag-anak sa kasal para maiwasang may mapahiya o masaktan.
Karaniwan din aniya na hindi alam ng ninong ang buong pagkatao ng kanyang inaanak.
Una nang lumitaw na nag-ninong sa kasal ng negosyanteng si Dong ang senador na sina Risa Hontiveros, Migz Zubiri, Kiko Pangilinan at Ralph Recto habang nakatanggap naman ng campaign donations si Senador Joel Villanueva.
Pimentel at Alvarez nagkasundo sa postponement ng Barangay at SK Elections
Nagkasundo sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Koko Pimentel na una nang magpasa ng panukalang batas sa postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections ang Kamara de Representates at ipasa na lamang sa senado.
Ayon kay Pimentel, katanggap-tanggap naman para sa kanila ang pagpapaliban ng Barangay Elections kung saan mananatili ang mga kasalukuyang barangay officials.
Gayunman, iginiit ni Pimentel na maikli ang pitong buwan na pagpapaliban kung gaganapin na ang halalang pambarangay sa Mayo ng susunod na taon.
Ani Pimentel, dapat bigyang halaga at atensyon ang barangay officials na nasa listahan ng mga sangkot sa iligal na droga at atasang magpaliwanag sa DILG o Department of Interior and Local Government.
Sakaling hindi maging katanggap-tanggap ang paliwanag ng mga ito ay sisibakin at saka papalitan ng number one na kagawad.