Planong kausapin ni Senate President Koko Pimentel si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa naging desisyon ng Korte Suprema sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon kay Pimentel, ito ay para himukin ang Pangulo na pag-isipan munang mabuti kung tama at karapat-dapat bang ilibing ang dating Pangulong Marcos gayong hindi naman ito isang bayani.
Iginiit ni Pimentel na bagamat ang ruling ng korte ay maaaring ma-establish ang karapatan ng isang tao na mailibing sa Libingan ng mga Bayani pero hindi nito kayang desisyunan ang hero’s status ng isang indibidwal dahil ang pagiging bayani ay collective decision ng taong bayan.
Bahagi ng pahayag ni Senate President Koko Pimentel
By Rianne Briones