Dapat na manahimik muna si CPP o Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison upang hindi madiskaril ang peacetalks ng gobyerno at rebeldeng grupo.
Ayon kay Senator Koko Pimentel, mahalagang may good faith ang magkabilang panig para sa kanilang magiging negosasyon.
Una nang inakusahan ni Sison ng pananabotahe si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pagpapaliban nito ng resumption ng peacetalks para bigyang daan ang public consultation.
Samantala, pinapurihan ni Pimentel ang gagawing konsultasyon sa mga stakeholders kaugnay sa peacetalks.
Aniya, mahalagang makuha ang opinyon ng mga mambabatas at publiko lalo na sa mga komplikadong usapin tulad nito.