Tiniyak ni Senador Koko Pimentel na matatalakay sa isasagawang pagdinig ng joint congressional oversight committee ang lahat ng mga katanungan kaugnay ng katatapos pa lamang na halalan.
Kasunod ito ng mga umano’y napaulat na kapalpakan sa natapos na eleksyon noong Mayo 13.
Kabilang sa mga ito ang nangyaring paghinto sa pag-transmit ng election returns sa transparency server, mga pumalyang vote counting machine (VCM) at mga depektibong SD cards.
Una nang itinakda ang pagdinig sa Hunyo 4, Martes.
Kung router ‘yan, ba’t di pa rin na-anticipate na magkaka-traffic sa router. ‘Yun ‘yung tanong natin. Tapos actually ang reasoning nila do’n ‘yung file transfer protocol daw ay hindi file which is a program na nagtatapon no’ng, ‘yung program na magpapasa no’ng file sa isang server to another server, ‘yung transparency server na ‘yun sana ang destinasyon.. ‘yun daw ang pumalpak. So, alamin na natin talaga, ano ba talaga ang pumalpak.” pahayag ni Pimentel.
Sapol Interview