Umaasa si Sen. Koko Pimentel na magiging mabusisi rin ang senado sa iba pang COVID-19 vaccine na bibilhin ng gobyerno.
Ito dahil aniya tila masyadong nakatuon ang atensyon ng mga senador sa presyo, bisa at iba pang isyu sa bakuna ng Sinovac.
Ayon kay Pimentel habang naka-pokus ang lahat sa Sinovac, wala namang kumukuwestiyon sa pag-order ng gobyerno ng ibang uri ng bakuna gaya ng sa Novavax.
Umorder na aniya ang gobyerno ng 40 milyong doses ng bakuna mula sa Novavax pero walang nagtatanong ukol dito
Ang bakuna ng Novovax na tinatawag na Covovax ay nakapangako nang idedeliver sa bansa sa ikalawang quarter ng taon.
Sa pagkakaalam ni Pimentel, wala pang Emergency Use Authorization ang Novavax dito sa Pilipinas at ang iba pang mga bansa kaya hindi pa ito ginagamit.— ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)