Nakatakdang ibalik ng Malaysia ang basurang plastik mula sa Amerika matapos nitong labagin ang bagong alituntunin ng United Nations (UN) kaugnay sa mga mapanganib na basura.
Ayon kay Mohamad Khalil Zaiyany Sumiran, tagapagsalita ng environment ministry, hindi pasok sa pamantayan ang mga basura at walang itong pahintulot na dalhin sa Malaysia.
Batay kasi sa panuntunan na napagkasunduan ng 180 bansa sa ilalim ng UN dalawang taon na ang nakalilipas, ipinagbabawal ang importasyon ng mga basurang plastik na mahirap ng ma-recycle upang maiwasan ang polusyon sa kapaligiran at karagatan sa mga bansang pagdadalhan nito.
Tanging mga plastic lamang na malinis, maayos at madaling ma-recycle at may pahintulot ng bansang pagdadalhan ang pinapayagan sa ilalim ng panuntunan.
Dagdag nis Sumiran, matapos aniya ang imbestigasyon sa mga naturang basura saka ito ibabalik sa Estados Unidos.—sa panulat ni Agustina Nolasco