Nananatili pa rin sa puwesto at tumangging magbitiw ang mga matataas na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ay sa kabila ng naging panawagan ni bagong talagang PhilHealth President at CEO Dante Gierran sa mga ito na bakantehin ang kanilang mga posisyon kasunod ng alegasyon ng kurapsyon sa ahensiya.
Batay sa ulat, walang kahit isa sa 66 na mga executives ng PhilHealth na pinabababa sa puwesto ni Gierran ang nagsumite ng kanilang resignation letter.
Sa halip ay humihiling ang mga ito ng diyalogo kay Gierran para igiit ang karapatan sa security of tenure alinsunod sa Civil Service Law.
Paliwanag ni PhilHealth Spokesman Rey Baleña, inaasahan nang hindi magbibitiw sa puwesto ang mga naturang opisyal lalo na sa kasalukuyang panahon na mahirap aniyang mawalan ng trabaho.