Nakatitiyak ang Philippine National Police na nasa bansa pa rin ang pugante at dating Hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag.
Ito’y matapos ang ibunyag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na malapit na nilang malaman ang kinaroroonan ni Bantag.
Ayon kay PNP Spokesperson at PRO-3 director Brigadier General Jean Fajardo, may mga indikasyon na nandito lamang ito sa bansa.
Wala rin aniya silang natatanggap na ulat na pumuslit na ito palabas ng bansa.
Dagdag pa ni BGen. Fajardo, kasalukuyan nilang vi-ne-verify ang ulat na natanggap ng kanilang ahensya tungkol sa nasabing pugante.
Nahaharap sa kasong murder si Bantag kaugnay sa pagpatay sa Radio Broadcaster na si Percival Mabasa. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo