Inaresto ng mga awtoridad mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa lungsod ng Pasig.
Ayon sa NCRPO, kinilala ang suspek bilang si Esteban Sergio Sales, 59-taong gulang na pinaniniwalaang miyembro ng makakaliwang grupong Kilusang Larangang Guerilla, Bicol Region Party Committee at Komite Seksiyon sa Platon.
Ayon kay Police Major General Debold Sinas, hepe ng NCRPO, si Sales ay ititnuturing na ‘most wanted person’ at may patong sa ulo ng aabot sa P700,000.
Isinilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest kay Sales sa kasong murder at malicious mischief at kasalukuyang nakakulong sa regional special operations group custodial facility.