Nakontamina ng abo ang pinagkukuhanan ng inuming tubig ng mga residente sa isang barangay sa bayan ng Juban, Sorsogon matapos pumutok ang bulkang bulusan noong linggo ng umaga.
Ayon sa residenteng si Dave Resari, bumaho dahil sa abo ng bulkan ang dating napakalinaw na tubig sa bukal sa puting sapa.
Nag-aalala naman si Arvee Lodronio ng Juban Disaster Office na mapasukan ng kontaminadong tubig ang kanilang main tank sakaling umulan.
Pero sa pakikipag-ugnayan sa local water system, sinabi nito na ubusin o i-drain muna ang tubig sa tangke at linisan ito para matiyak na wala talagang abo.
Ipinagpapasalamat naman ng mga residente sa naturang bayan ang pamahahagi ng gobyerno at ng mga ahensya ng relief goods.