Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na hindi pa tukoy sa ngayon ang pinagmulan ng corona virus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos maglabasan ang iba’t ibang espekulasyon tungkol sa pinanggalingan ng virus.
Ayon kay Dr. Rabindra Abesayinghe, kinatawan ng WHO sa bansa, hangga’t wala pang napatutunayan sa mga isinasagawang pag-aaral ay mananatiling teorya lamang ang mga hinuha kung saan galing ang COVID-19.
Isa sa sinasabing pinagmulan ng sakit ay ang bat soup o sinabawang paniki.