10 international scientist ang bi-biyahe patungong Wuhan sa China sa January 2021 ayon sa World Health Organization.
Ito’y para imbestigahan ang tunay na pinag-mulan ng COVID-19 sa nasabing lugar.
Hindi naman ito tinutulan ng gobyerno ng China ngunit patuloy pa rin ang pakikipag ugnayan ng WHO para sa pagpasok ng kanilang grupo sa wuhan at sa pananatili ng mga ito ng ilang buwan.
Magugunitang, sinasabing nagmula ang naturang virus sa pamilihan kung saan nagbebenta ng mga hayop.