Isang panibagong COVID-19 variant ng pinagsanib na Omicron at Delta ang nadiskubre sa Cyprus.
Tinawag ni Leondios Kostrikis, Professor ng Biological scIences sa University of Cyprus ang panibagong strain na “Deltacron” dahil taglay nito ang Omicron-genetic signatures sa Delta genomes.
Sa ngayon ay mayroon na anya silang naitalang 25 kaso ng Deltacron.
Gayunman, nilinaw ni Kostrikis na masyado pang maaga kung gaano kalaki ang magiging epekto ng panibagong variant lalo’t kailangan pa ng karagdagang pag-aaral.
Nadiskubre ang Deltacron sa gitna ng pagkalat ng Omicron variant sa iba’t ibang panig ng mundo.