Aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na masyado pang maaga upang sabihin kung palalawigin ang oras ng botohan sa Mayo a–9.
Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing, ang anumang extension sa botohan ay nakadepende sa Commission on Elections (COMELEC) at sitwasyon ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kung magkakaroon anya ng pagtaas ng covid cases, maaaring magrekomenda ang IATF o DILG sa COMELEC na palawigin ang oras o araw ng pagboto.
Inihayag naman ni COMELEC Spokesman James Jimenez na maaaring palawigin ang voting hours kung mayroon pang mga tao sa loob ng polling precinct na hindi pa naka-boboto.
Nakatakdang buksan ang mga presinto eksakto ala sais ng umaga hanggang ala singko ng hapon.