Nagpahayag ng pangamba si Senador Franklin Drilon na magaya lamang sa pinahinang kaso ng mga pulis na pumatay kay Mayor Rolando Espinosa ang kaso ng pagpatay ng pulis kay Kian Loyd Delos Santos.
Ayon kay Drilon, sa himig ng pananalita ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay tila nag-aabogado na ito para sa mga sangkot na pulis.
Una rito ay hiniling ni Drilon kay Aguirre na hayaan na lamang ang Ombudsman ang magsagawa ng preliminary investigation sa kaso ng mga pulis na pumatay kay Delos Santos subalit tinanggihan ito ng kalihim.
By Len Aguirre / (Ulat ni Cely Bueno)