Kumpiyansa si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na maipagpapatuloy ng bagong PNP Chief na si Police Lieutenant Gen. Dionardo Carlos ang mga nasimulang programa ng kaniyang sinundang si Gen. Guillermo Eleazar.
Ito ang inihayag ni Año kasabay ng pagpapaabot niya ng pagbati kay Carlos matapos hirangin bilang ika-27 hepe ng Pambansang Pulisyani Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay nito, inaasahan ni Año na hihigitan pa ni Carlos ang mga nasimulang kampanya kontra terrorismo gayundin ang paglilinis sa kanilang hanay mula sa mga bulok at pasaway na pulis.
Maliban sa karanasan ng pagiging narcotics operative, naging boses din si Carlos ng pambansang pulisya sa ilalim ng ngayo’y Senador Ronald Bato Dela Rosa na siyang namuno sa war on drugs. —sa panulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9), sa panulat ni Airiam Sancho