Nagkakaroon na ng epekto sa bilang ng COVID-19 cases ang pinaiiral na ECQ sa Metro Manila.
Ito ayon kay Dr. Ted Herbosa, Special Adviser sa National Task Force against COVID-19 ay dahil nasa halos 900 na lamang ang average na bagong kaso ng COVID-19 mula sa NCR bagamat tatlong araw na halos nasa mahigit 14k ang mga bagong kaso ng nasabing virus sa buong bansa.
Yung sa NCR , mas konti na parang 100 lang , the day before so parang it’s lower, iyong dami ng kaso ngayon sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Kasi iba ang surge ng ating outbreak ngayon. Iyong cases maraming lugar na nagko-contribute, so ang lockdown natin sa NCR diba, diba nag-ECQ tayo sa NCR. So iyon, kapag doon mo brineak down, bumaba siya. So may kaunting epekto ang ECQ na ginawa natin at sana magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng numero ng kaso,” pahayag ni Herbosa.
Kasabay nito, kumbinsido si Herbosa na malaking factor sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 ang delta variant ng coronavirus.
Gayunman, ipinabatid sa DWIZ ni Herbosa na hindi pa maituturing na pre dominant ang delta variant dahil mas marami pa rin ang kaso ng Alpha at Beta variants.
Talagang Delta na ang nagko-contribute, diyan sa number of cases, hindi natin madetermine as you said, nasi-sequence naman natin maliit na porsyento lang… so prino-project lang natin yung ganon nasa 800 ba 900 na yung delta o nasa 2000. Ang bilis humabol ng delta, kasi a week before halos wala iyan, sa samples parang more than 40% nung sample parang delta ang contribution.