Dapat mapag-aralan ang pinaiiral na procurement process.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Senador JV Ejercito matapos magsagawa ng pagdinig ang senado sa umano’y maanomalyang pagbili ng chopper ng Department of National Defense (DND).
Sinabi ni Ejercito na nakakaalarma ang lumabas sa pagdinig ng halos ilang porsyento lamang ng mga kontrata sa DND ang dumaan sa bidding.
“Ilang porsyento lang wala pang 5 percent ang dumaan sa bidding, karamihan negotiated, kung titignan niyo yung statistics, medyo alarming pero klinaro din naman ng Department of National Defense ‘yan na karamihan kasi, halimbawa supplies lang sa kanila, understandable naman yun na hindi na dadaan sa bidding.” Pahayag ni JV.
By Judith Larino | Karambola